Sa tuwina

Sa tuwina ika’y iniisip
laman ng puso at isip
pilit na binabalikan
ating alaalang nagdaan

Sabi nga nila, ika’y wala na
ngunit dama ko pa rin ang iyong presensya
kapag naaalala kita, biglang ako’y naluluha
subukin mang ikubli ngunit di ko magawa

Napakahirap mawalan ng isang Ina
nakakamatay ang kalungkutan sa tuwina
 bakit nga ba kami ay iyong nilisan?
tanong na kay hirap mabigyan nang kasagutan

Tanging hiling ko sa ngayon na kami ay iyong gabayan
ikaw na aming anghel na nasa kalangitan
sa tuwina ang mukha mo ay nais masilayan
ngunit tila yata mahirap mapagbigyan

Tila lahat nga ng bagay ay may dahilan
kaya ito sana ang iyong pakatandaan
di ka malilimutan;
narito ka sa aking puso, Ma. magpakailanman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s