tumblr_inline_okx00uiHAG1tr11bp_500

Hanggang Kailan?

Hanggang kailan aasa?
Lagi na lang ba?
Batid kong wala itong patutunguhan
Ngunit tila di ka mawala sa aking isipan.

Hanggang kailan maghihintay?
Nais ko nang ika’y kalimutan
Araw-araw na inaasam
Mapansin mo ako aking sinta.

Dumating ang araw na sinabi kong,
“Tama na, ititigil ko na.”
Mga araw at gabi na ika’y nawaglit sa aking isipan
Ngunit, unti-unting bumabalik ang aking pagsinta.

Paano nga ba kita malilimutan?
Kung hindi kita kayang iwasan
Makita ka lang sa malayuan,
Kay sarap na sa pakiramdam.

Nasa sa aking mga kamay
Ang desisyon na dapat gawin ko na,
Ayaw ko nang umasa at maghintay
Sa katotohanang tanggap ko na, ito’y di mangyayari kailanman.

Tila panahon na lang ang makapagsasabi
Kung kailan ako bibitiw,
Pilitin ko mang kalimutan ka,
Sadyang kay hirap aking sinta.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s